Sunday

VACCINATION IS PREVENTION

PALAYAN CITY, Nueva Ecija -- "Vaccination is prevention." Ito ang binigyan diin sa pagbubukas noong Nobyembre 18 ng Palayan City Vaccine Clinic sa City Health Center dito na itataguyod ng pamahalaang lunsod sa pakikipagtulungan ng Family Vaccine and Specialty Clinics (FVSC). Nanguna sa okasyon si City Mayor Adrianne Mae Cuevas, na sinamahan ng mga city counsilors at department heads na sumalubong kiana Chito San Agustin ni Dr. Alberto Gabriel ng FVSC na may 40 sangay sa buong bansa.
     "Mahalaga ng magkaroon ng ganitong klinika ang mga Palayanos upang mapaghandaan ang pangmatagalang epekto ng mga bakuna kontra sa mabibigat na klase ng karamdaman" pagbibigay diin ni Cuevas.
     Ayon kay San Agustin mga de-kalidad, mahahalaga at murang mga bakuna mula pre-natal,post natal at maging sa mga animal bites ang makukuha rito bukod sa libreng first 150 anti flu vaccines.
     Isinaad ni Dr. Gabrieel na nananatiling pangatlo ang Pilipinas sa buong mundo na may pinakamataas pa rin sa rabies incidence, sa kabila ng pangakong maalis na ang problemang ito sa 2020.
     Batay umano sa datos ng Animal Bite Treatment Centers ng Department of Health halos 90% ng biktima ng kagat ng mga rabid animals ay mga bata dahil madalas makipaglaro sa mga alagang hayop. - Jojo Deguzman
PHOTO CREDIT TO TV48
     

Saturday

BIOMASS PLANT SA NUEVA ECIJA


    Isang consortium ng Korean at Filipino companies ang nagpahayag ng interest na mag-establish ng 'biomass co-generation poer plants sa Nueva Ecija na may potensyal na makapag-generate ng 1,600 trabaho sa lalawigan.

      Ayon kay NE Governor Aurelio Umali, tumanggap ng "Letter of Intent" (LOI) ang kanyang opisina mula sa Korean firm na Hankook B&P Co. Ltd. (HBPCL); Plant Engineering Co. Ltd. (SPECL) at Kepco Engineering & Construction Co. (KECC) na nakipag-tie-up sa Phil Bio Agri Industry Corporation (PhilBaico) para magsagawa ng mga pag-aaral para sa biomass power plant at biomass collection project sa pakikipagugnayan sa lokal na pamahalaan at tanggapan ng Agrikultura o'DA.
     Sa LOI na isinumite kay Gov. Umali ng kinatawan ng Consortium na pinangunahan ni Kepco project Manager Lim Yong Ha, sinabi nito na nais nilang simulan aang biomass projects at biomass power plants sa Pilipinas partikular sa Nueva Ecija, gamit ang bionass materials na gaya ng "rice hulls, rice straw, corn cobs, corn stovers, bagasse at coconut tree at residue fuel.
     Ang HBPCL, at HBTL, ay tanyag na mga kumpanya sa larangan ng paggawa ng "power generation boilers, industrial boilers at power boiler system, samantalang ang SPECL ay isang global plant engineering company na may 120 engineers at technical experts.
     Pinahintulutan ni Umali ang Korean consortium at PhilBaico na magsagawa ng "fesibility study' para sa proyekto at inatasan na rin sina provincial agriculturist Serafin Santos at ENRO Engr. Wilfredo Pangilinan na umasiste sa pagreresearch.
     Ayon naman kay provincial administrator Atty. Alejandro Abesamis, aabutin ng dalawa hanggang tatlong buwan ang 'feasibility study' at ang pagtatayo ng power plant ay matatapos sa loob ng tatlong taon. ang Korean at Filipino consortium ang unang dayuhang grupo na nagkaroon ng interest sa biomass facilities sa probinsya na tinaguriang "rice granary of the Philippines" dahil sa sagana sa "rice hulls" at iba pang agricultural wastes na kakailanganin sa nasabing mga proyekto- (Manny Galvez)